Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Tumama ang magnitude 4 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 224 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani araw ng Martes (Jan. 31).
May lalim na 16 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng aftershocks at pinsala. (DDC)