PBBM nakiramay sa naulilang pamilya ni Ranara sa Las Piñas City
Dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa burol ni Jullebee Ranara sa Las Piñas City ngayong hapon upang personal na makiramay sa kanyang naulilang pamilya.
Sinalubong siya nina Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, Senator Mark Villar, Congresswoman Camille Villar, OWWA Deputy Administrator Honey Quiño, DMW Undersecretary Hans Cacdac, at mga lokal na opisyal ng Lungsod ng Las Piñas.
Ang OWWA ay patuloy sa pag-alalay sa naulilang pamilya ni Jullebee. (Bhelle Gamboa)