Ilang kababaihan sinanay ng TESTA at DSWD bilang construction workers

Ilang kababaihan sinanay ng TESTA at DSWD bilang construction workers

Nakikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makapagbigay ng kinakailangan na training sa mga kababaihan sa trabahong construction at iba pang mabibigat na gawain bilang bahagi ng pagsusulong ng gender at development (GAD) sa Almeria, Biliran.

Ang mga lumahok sa training ay nakakuha ng sertipiko mula sa TESDA bilang patunay ng kanilang pagiging propesyonal sa plumbing at masonry.

Maliban sa pagbibigay ng tulong upang ang mga lumahok sa training ay makapaghanap-buhay, layunin din nitong tugunan ang gender stereotyping.

Sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS), ang mga kababaihang nakatanggap ng training ay nagbigay na ng kanilang serbisyo sa komunidad sa mga proyektong water system at drainage canal.

Ang KALAHI-CIDSS ay bahagi ng poverty alleviation programs ng DSWD. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *