MMDA naglabas ng safety tips sa pagsakay sa Pasig River Ferry Service
Naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng safety tips sa mga tumatangkilik partikular na ang mga may bitbit ng bata sa pagsakay sa Pasig River Ferry Service (PRFS).
Ayon sa MMDA, mahalagang may sapat na kaalaman kung paano ingatan ang mga bata lalo na sa pagsakay sa ferry.
Sinabi ng ahensiya na sundin ang mga safety tips para ma- secure ang kaligtasan ng mga bata sa loob ng ferry boats.
Pakiusap pa ng MMDA palagi bantayan, alalayan, at turuan ng disiplina ang mga bata para sa kanilang kaligtasan.
Bukod sa alok na libreng sakay ng PRFS ay siguradong ligtas sumakay, malinis, at mabilis pa ang byahe papunta sa nga destinasyon ng mga pasahero. (Bhelle Gamboa)