7 arestado sa magkakahwalay na operasyon sa Lucena City; P118K na halaga ng shabu, nakumpiska

7 arestado sa magkakahwalay na operasyon sa Lucena City; P118K na halaga ng shabu, nakumpiska

Sa nakalipas na pitong araw, umabot sa pitong katao ang naaresto sa mga ikinasang operasyon sa Lucena City kaugnay sa National Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO.

Sa Purok Buklod Pagkakaisa, Barangay Cotta, Lucena City, naaresto ng mga tauhan ng Lucena City Police Station, PDEA4A Quezon, at iba pang otoridad ang 22 anyos na si alyas “Christian”.

Nahulihan ang suspek ng apat na piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang P14,280 ang halaga, isang coin purse, at ang P500 na ginamit bilang buy bust money.

Sa hiwalay na operasyon sa Purok Maganda 1, Barangay Gulang-Gulang, Lucena City nadakip naman ang isang alyas “Betong”, 34 anyos matapos mahulihan ng apat na pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot sa P18,360 ang nakumpiskang ilegal na droga.

Sa Purok 1A, Barangay Dalahican, Lucena City nadakip naman ang isang alyas “Edelberto”, 43 anyos matapos mahulihan ng 5 sachet ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot naman sa 24,480 ang halaga ng shabu na nakumpiska sa ikatlong suspek.

Sa Purok Central, Barangay Ibabang Dupay, nadakip naman ang isang alyas “Dodong”, 50 anyos na nahulihan din ng 5 sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa P19,584 ang halaga.

Ang ikalimang suspek ay nadakip sa operasyon sa Purok Sampaguita 1, Barangay 10, na kinilalang si alyas “Aa”,41-anyos na nahulihan ng 6 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P25,704 ang halaga

At sa Purok Camia, Barangay Silangan Mayao, nadakip din sa buy bust operation ang isang alyas “Emon”, 29-anyos at kaniyang kasabwat na si alyas “Yoyong”, 33 anyos.

Nakumpiska sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P15,300 ang halaga.

Ayon sa Lucena City Police, anim sa mga nadakip ay pawang kasama sa street-level individuals (SLI) list ng pulisya.

Hawak ng Lucena City Police Station ang mga suspek at inihahanda na ang isasampang kaso laban sa kanila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *