Mga deboto ng Viva Sto. Niño sa Pasay, dumagsa
Dumagsa ang daan-daang deboto ng Viva Santo Niño sa idinaos na taunang kapistahan sa Pasay City.
Umabot sa 90 na mga karosa na lulan ng Sto. Niño mula sa iba’t ibang lugar kabilang ang mga imahe ng santo galing pa sa lalawigan ng Cebu at Rizal ang mga lumahok sa parada.
Sinimulan ang parada ng Santisimo Nombre del Nino Jesus sa harapan ng Pasay City Hall nitong alas 3:00 ng hapon ng Enero 29 patungo naman sa Liwasang Ipil Ipil Open Field.
Unang nanawagan si City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga Pasayeños na lumahok sa kapistahan upang i-welcome ang mga deboto.
“We ask our dear Pasayeños to please join this momentous day. We, the people of Pasay City welcome all the devotees of Our Lord Jesus Christ in hoboring His Holy Childgood and His Most Holy Name,” panawagan ng alkalde.
Idinagdag pa ni Rubiano na ang mensahe ng Sto. Niño ay pag-asa,pananampalataya at pag-ibig.
Nagsilbing Hermana Mayor ang alkalde habang Hermano naman ang kanyang kapatid na si Congressman Tony Calixto.
Samantala, mahigpit naman ang ipinatupad na seguridad ng mga tauhan ng Pasay City Police at Southern Police District sa mga daraanang ruta ng prusisyon upang masiguro ang kaligtasan ng nga deboto.
ansamantalang isinara sa trapiko ang bahagi ng FB Harrison, Gil Puyat, EDSA at Arnaiz Avenue upang bigyang daan ang naturang parada habang pinayuhan ang mga apektadong motorista na dumaan sa mga alternatibong. (Bhelle Gamboa)