Total deployment ban ng OFWs sa Kuwait, isusulong

Total deployment ban ng OFWs sa Kuwait, isusulong

Nais isulong ni Senator Raffy Tulfo ang pagpapatupad ng total deployment ban para sa  lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait kasunod nang nangyaring pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara ng 17-anyos na anak ng kanyang amo.

Iginiit ng senador na dapat munang ipatupad ang total deployment ban bago makipag-usap ang Pilipinas sa Kuwaiti government.

Binigyang diin ni Sen. Tulfo na ang mga OFW ay dumadaan sa butas ng karayom bago makapag trabaho sa Kuwait kaya ganun din ang dapat aniyang ipatupad ng Pilipinas sa mga employer na nais kumuha ng Pilipinong manggagawa.

Ayon pa sa senador na dapat din aniya na magpakita na clear sa police record at pumasa sa neuro psychiatric examination  ang magiging employer kasama ang lahat ng miyembro ng pamilya.

Siniguro pa ni Tulfo na uupuan niya ang bagay na ito para sa bilateral talk upang matiyak na walang tama sa utak ang magiging amo ng ating mga kababayan at hindi na maulit ang nangyari kay Ranara.

Pag aaralan din ng mabuti ng senador ang maaaring idagdag sa gagawing bilateral agreement sa pagitan ng Kuwait Government at ng pamahalaan ng Pilipinas para sa kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs.

Unang nakipag-usap si Tulfo sa  Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang stakeholders na layong isulong ang total deployment ban sa Kuwait. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *