Foreign Minister ng Kuwait kinondena ang pagpatay sa OFW na si Ranara

Foreign Minister ng Kuwait kinondena ang pagpatay sa OFW na si Ranara

Kinondena ni Minister of Foreign Affairs of Kuwait Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ang pagpatay sa Pinay na si Julleebee Ranara.

Sa pahaya ng Philippine Embassy sa Kuwait, sinabing nakipagpulong si Philippine Charge d’ Affaires to Kuwait Jose Cabrera III kay Sheikh Salem.

Ayon kay Cabrera, nagpaabot si Sheikh Salem ng pakikiramay sa pamilya ni Ranara at sa pamahalaan ng Pilipinas.

Kinondena din nito ang brutal na sinapit ni Ranara at tiniyak na mapaparusahan ang nasa likod ng krimen.

Sinabi din ni Sheikh Salem na ang ginawa ng suspek ay hindi sumasalamin sa karakter at values ng Kuwaiti society, Kuwaiti people at maging ng pamahalaan ng Kuwait. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *