Shear Line, Amihan magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa umiiral na Shear Line at Northeast Monsoon o Amihan.
Ayon sa PAGASA, apektado ng Shear Line ang Visayas atapektado naman ng Amihan ang Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw (Jan. 30) ang Visayas, Northern Mindanao, Caraga at Davao Region.
Maulap na papawirin na may pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, Quezon, Marinduque at Romblon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan at thunderstorms. (DDC)