Ban sa single-use plastic at styrofoam food containers
Magpapatupad ng ban sa single-use plastic at styrofoam food containers sa munisipalidad ng Cordova sa Cebu simula sa susunod na buwan.
Ayon kay Municipal Coun. Lemuel Pogoy, inaprubahan na ang Ordinance No. 2022-83 na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic at styrofoam na ginagamit sa food containers.
Sinabi ni Pogoy na layunin ng ordinansa na malimitahan ang epekto ng plastic pollution sa Cordova.
Batay sa ordinansa, ipagbabawal ang paggamit ng single-use plastic at sstyrofoam food containers sa munisipalidad tuwing araw ng Miyerkules at Sabado.
Kailangang sumunod dito ang lahat ng business establishments sa Cordova.
Sa nasabing mga araw, hinihikayat ang mga establisyimento na gumamit ng papel, rattan, net bags, at iba pang reusable packaging. (DDC)