VAT refund program para sa mga dayuhang turista ipatutupad ng pamahalaan sisimula sa susunod na taon

VAT refund program para sa mga dayuhang turista ipatutupad ng pamahalaan sisimula sa susunod na taon

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng value added tax program para sa mga dayuhang turista.

Simula sa 2024 ang mga dayuhang bibisita sa bansa ay pagkakalooban ng VAT refund.

Sa ilalim ng programa, ang mga dayuhang turista ay makakakuha ng VAT refund sa mga binibili nilang produkto sa Pilipinas.

Layunin nitong mas makahikayat pa ng maraming turista para bumisita sa bansa.

Inaprubahan din ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ngayong taon ng online visa para sa mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese tourists. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *