TINGNAN: Burol ng OFW na si Jullebee Ranara na ginahasa at pinatay sa Kuwait

TINGNAN: Burol ng OFW na si Jullebee Ranara na ginahasa at pinatay sa Kuwait

Nakaburol na ang mga labi ng Pinay na ginahasa at pinatay ng anak ng kaniyang employer sa Kuwait.

Dumating sa bansa ang mga ni Jullebee Ranara noongn Jan. 27 dakong 9:34 ng gabi lulan ng Emirates Airlines flight EK 334.

Tiniyak naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio na kabilang sa mga personal na sumalubong sa pagdating ng labi ni Ranara sa airport una matatanggap ng naulilang pamilya ng OFW ang mga kaukulang tulong mula sa pamahalaan.

Bukod sa pamilya kasamang sumalubong si Senador Raffy Tulfo na Chairman ng Committee on Migrant Workers na tumulong din sa mga naulila ng pinaslang na OFW sa Kuwait.

Unang inihayag ni DMW Secretary Susan Ople na wala nang nakikitang balakid para maiuwi ang labi ng biktima matapos mahuli ang suspek na anak ng employer ni Ranara.

Inihayag din ng mga awtoridad sa Kuwait ang pagpatay sa pinay worker na natagpuan sa Salmi Road na sunog nitong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan nakakulong ang 17 anyos na suspek na anak ng amo ni Ranara, matapos aminin nito ang krimen at sinasabing ginahasa,binuntis at sinagasaan ng sasakyan bago sinunog saka itinapon ang bangkay ng OFW sa disyerto.

Posibleng magsagawa ng awtopsiya ang National Bureau of Investigation sa labi ni Ranara.

Sa ngayon ang mga law office na konektado sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang humahawak sa kaso habang hinihintay pa rin umano ng DMW ang report mula sa law firm at sa mga otoridad doon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *