Parañaque City magdiriwang ng ika-25 cityhood anniversary

Parañaque City magdiriwang ng ika-25 cityhood anniversary

Sa Pebrero 13, ipagdiriwang ng Parañaque City ang kanyang ika-25 taon anibersaryo ng lungsod matapos ang mahigit dalawang dekadang pagkaproklama nito.

Bahagi sa pagdiriwang ang iba’t ibang programa at proyektong handog ng lokal na pamahalaan upang bigyang kasiyahan ang mga residente sa lungsod sa pamumuno ni Mayor Eric L. Olivarez.

Kabilang sa mga nakalinyang programa ay ang Gandang Mamita at Gwapitong Papito 2023, isang beauty and talent pageant para sa senior citizens, Ginoo at Binibining Parañaque 2023 pageant para sa mga kabataan, Sunduan Dolls Contest and Exhibit, at Sunduan Dress Fashion Show.

Magtatampok din ng mga pagkaing likas sa lungsod sa pamamagitan ng Flavors of Parañaque at ang Komedya na nagpapakita ng taglay na kultura ng mga mamamayan.

Bukod dito, gaganapin din sa dalawang linggong selebrasyon ang Academic Quiz Bee, Coop Tiangge, Mega Job Fair, Kasalang Bayan, at Blessing ng Ospital ng Parañaque 2.

Bibigyan din ng parangal at pagkilala sa anibersaryo ang mga Outstanding Taxpayers at mga Natatanging Parañaqueño na kinilala dahil sa angkin nilang husay at pagkatao.

Sinimulan ang pagdiriwang ng cityhood anniversary nitong Enero 23 sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga kandidato para sa Gandang Mamita at Gwapitong Papito 2023 na magtatapos sa Pebrero 13 kung saan gaganapin ang Grand Sunduan at isang malaking konsyerto sa gabi sa Parañaque City Hall Grounds. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *