Most wanted person sa Concepcion, Tarlac naaresto ng mga otoridad

Most wanted person sa Concepcion, Tarlac naaresto ng mga otoridad

Naaresto ng pulisya ang itinuturing na most wanted person sa bayan ng Concepcion sa lalawigan ng Tarlac.

Ayon kay Concepcion police chief Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa ang suspek ay nakilalang si Arnel Mamangun, 43-anyos.
Ayon kay Rombaoa si Mamangun ay number 1 most wanted person sa bayan.

May kinakaharap itong warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court Branch 113 Judge Percival Atinaja dahil sa kasong act of lasciviousness.

Nakakulong na ang suspek sa Concepcion police station at nakatakdang iharap sa korte. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *