Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Central Visayas pinayagan na muli ng PCG
Binawi na ng Philippine Coast Guard – Central Visayas ang mga pinairal na suspensyon sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat.
Balik na sa normal ang biyahe matapos na bawiin na ng Coast Guard stations sa Camotes, Southern Cebu; Negros Oriental at Western Bohol ang inilabas temporary suspension sa paglalayag.
Umabot sa 17 biyahe ng mga barko ang nakansela noong Huwebes (Jan. 26) nng suspendihin ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat dahil sa gale warning na inilabas ng PAGASA.
Nakapagtala din ng 83 pasahero na na-stranded sa mga pantalan sa rehiyon. (DDC)