Flood control project sa Naujan Occidental Mindoro sisimulan na
Nakatakda nang umpisahan ang malaking flood control project sa bayan ng Nauhan sa lalawign ng Occidental Mindoro.
Kasunod ito ng pakikipag-ugnayan ni Naujan Mayor Henry Joel Teves sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional IV-B katuwang ang Municipal Engineering Office.
Inatasan na ni Teves si Municipal Engr. Percy Olmos na magtungo sa DPWH- Region IV-B para sa mga kinakailangang hakbang, plano at disenyo ng nasabing proyekto.
Ang proyektong na kapapalooban ng kosntruksyon ng road dike/ esplanade na itatayo sa District 8 at babaybayin ang tatlong barangay na tinatahak ng ” Mag-asawang Tubig River”.
Ito ay ang mga barangay ng San Andres, Tagumpay, at Inarawan.
Ang desinyo ng dike ay kahalintulad ng sa Baywalk sa Roxas Blvd. kung saan maaaring gawing kalsada ang ibabaw ng dike dahil sa lapad at tibay nito.
Sa pamamagitan nito ay mapipigilan ang pag-apaw ng tubig sa nasabing ulog at hindi na magiging sanhi ng pagbaha sa maraming barangay sa Naujan.
Ayon sa DPWH at kontraktor, ayad sisimulan ang proyekto sa sandaling gumanda na ang panahon. (DDC)