MMDA umapela sa mga commuter na huwag tangkilikin ang mga habal-habal
Umaapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga commuters na huwag tangkilikin ang “habal-habal” dahil ito ay sasakyang colorum.
Aminado naman ang MMDA na ang mahahabang pila sa mga sakayan ang isa sa dahilan kung bakit ang ilang pasahero ay pinipiling sumakay sa mga habal-habal.
Ayon sa ahensya, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsakay sa mga illegal motorcycle taxis, walang prangkisa o kaukulang dokumento ang mga habal.
Paliwanag pa ng MMDA na kaya sakaling magkaroon ng aberya o aksidente na kinasangkutan ng habal-habal ay wala silang magiging pananagutan sa pasahero.
Kaugnay nito, hinihiling ng ahensya ang kooperasyon ng mga commuters para rin sa kanilang kaligtasan. (Bhelle Gamboa)