TINGNAN: Chinese Crested Tern muling namataan sa Davao Del Norte

TINGNAN: Chinese Crested Tern muling namataan sa Davao Del Norte

Muling namatan ang extremely rare na Chinese Crested Tern sa Davao Del Norte.

Ito na ang ikatlong sunod na taon na namataan ang ganitong uri ng ibon sa lalawigan matapos ang ilang dekadang pagkawala.

Simula kasi noong 1937, taong 20212 lamang muli bumalik ang Chinese Crested Tern o CCT sa Davao Del Norte.

Sa isinagawang Annual Asian Waterfowl Census (AWC) ng DENR Davao para sa mga migratory birds, nakita rin ang naturang ibon noong 2022 sa Davao rivermouth.

Habang ngayong buwan, tatlong CCT ang nakita ng mga otoridad sa Panabo City at Carmen sa Davao del Norte at sa Bucana, Davao City.

Ang nasabing ibon ay itinuturing na rare at critically endangered.

Patuloy kasi sa pagbaba ang kanilang populasyon na tinatayang nasa humigit-kumulang isangdaan na lamang.

Maliban sa CCTs, ang iba pang migratory birds na namataan sa rehiyon ay ang Eurasian at Far Eastern Curlew. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *