Miyembro ng “Tiñga Drug syndicate” arestado sa Taguig City

Miyembro ng “Tiñga Drug syndicate” arestado sa Taguig City

Tinatayang 14 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P95,200 at baril ang nakumpiska ng mga tauhan ng Taguig City Police Sub Station 4 mula sa suspek na si Bernardo Tiñga, 56, isang tricycle driver, matapos isilbi ang search warrant na inisyu ng korte sa P. Mariano Street, Barangay Ususan sa nasabing lungsod.

Narekober din ng otoridad kay Tiñga ang isang cal. 45 pistol, empty 45 cal. magazine, at anim na bala ng naturang baril.

Ang naturang raid ay ikinasa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Taguig City Regional Trial Court Branch 15-FC Judge Byron G. San Pedro.

Pinuri ni Taguig City Police Chief, Col. Robert Baesa ang Taguig City Police sa pagkakaaresto ng mga prominenteng miyembro ng Tiñga Drug syndicate at iba pang high-value drug personalities.

Nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong 2016 ang isang kasapi ng Tinga Drug Syndicate na si Joel Tiñga.

Noong Pebrero 2017 naman hinatulan ng reclusion perpetua ang isa pang kasapi ng sindikato na si Elisa “Ely” Tiñga, maybahay ng isang Noel Tiñga na sinasabing pinsan ni dating Taguig Mayor Freddie Tiñga.

Ayon sa pulisya, si Elisa ay ikatlong most wanted person sa listahan ng illegal drug personalities at ikapitong miyembro ng Tiñga Drug Syndicate na nadakip at nakulong.

Noong 2020, isang buy-bust operation ang isinagawa ng otoridad na nagresulta ng pagkakasamsam ng higit P20 milyong halaga ng shabu at ikinaaresto ng isang Patrick Ace Tiñga. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *