Hoarding sibuyas at iba pang agri products ipinatuturing na economic sabotage

Hoarding sibuyas at iba pang agri products ipinatuturing na economic sabotage

Naghain ng panukalang batas sa senado si Senator JV Ejercito na naglalayong ituring na economic sabotage ang hoarding, profiteering at pagkakartel ng asukal, mais, karne, bawang, sibuyas at iba pang agricultural products.

Sa inihaing Senate Bill 1688 pinaaamyendahan ang Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ayon sa senador, simula nang maipasa ang naturang batas noong 2016, maraming mga insidente ng pagkakakumpiska ng mga smuggled na produkto, at walang gaanong nakakasuhan at napaparusahan.

Binanggit ni Ejercito a dahil sa naranasang kakapusan sa suplay ng sibuyas sa bansa ay pumalo sa hanggang P700 ang presyo ng kada kilo nito.

Sa panukalang batas ni Ejercito, pagkakasangkot sa hoarding, profiteering at pagkakartel ng asukal, mais, karne, bawang, sibuyas, isda at iba pang agricultural products na ang halaga ay aabot sa P1 million at bigas na aabot sa P10 million ang halaga ay dapat nang ituring na economic sabotage. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *