Army General na nadawit sa pagpatay ng negosyante sa Davao sinibak na sa puwesto

Army General na nadawit sa pagpatay ng negosyante sa Davao sinibak na sa puwesto

Sinibak na sa puwesto si Brig. Gen. Jesus Durante III matapos itong kasuhan ng murder dahil sa pagkakasangkot umano sa pagpatay sa negosyante sa Davao na si Yvonette Chua Plaza.

Ayon kay Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr, inalis na sa puwesto si Durante bilang commander ng 1001st Infantry Brigade sa Davao de Oro.

Ani Brawner layon nitong mabigyang-daan ang pagkakaroon ng impartial at masusing imbestigasyon sa kaso.

Pansamantala ay nasa headquarters muna ng Philippine Army si Durante.

Ayon kay Army spokesperson Colonel Xerxes Trinidad si Colonel Febie Lamerez ang itinalaga bilang acting commander ng 1001st Infantry Brigade.

Sa press briefing ng Davao Police Regional Office, si Durante ay itinuturong mastermind sa pagpatay kay Plaza.

Ayon kay Davao Region police chief Brig. Gen. Benjamin Silo Jr. posibleng “crime of passion” ang nangyari dahil base sa imbestigasyon may mga sensitibong impormasyon na alam ang biktima tungkol kay Durante at ginagamit niya ito para i-blackmail ang heneral.

Si Durante ay nagsilbing commander ng Presidential Security Group sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *