BSP pinag-iingat ang publiko sa Debit Card at Credit Card Fraud

BSP pinag-iingat ang publiko sa Debit Card at Credit Card Fraud

Nagpalabas ng paalala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa Debit at Credit Card Fraud.

Ayon sa BSP dapat tiyakin ng publiko na sila ay protektado tuwing ginagamit sa transaksyon ang kanilang Debit at Credit Card.

Narito ang ilang tips ng BSP para masigurong prtektado ang account

– Kapag nagbabayad gamit ang debit o credit card, siguruhing HINDI ITO MAWAWALA SA IYONG PANINGIN.

– Siguraduhin din na naka-ON ang TWO-FACTOR AUTHENTICATION upang makatanggap ng one-time password (OTP) sa iyong cellphone number tuwing ina-access ang iyong debit o credit card.

– Huwag ipaalam sa iba ang mga detalye ng card.

– Huwag ibigay sa iba ang card verification value (CVV) at ang OTP.

– Bantayan ang card tuwing ginagamit sa pagbabayad.

Hinimok din ng BSP ang publiko na ireklamo sa kanila kung nabigo ang bangko na sila ay asistihan sa kanilang problemang naranasan sa credit o debit card. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *