Quezon niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa lalawigan ng Quezon.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 23 kilometers northeast ng bayan ng Patnanugan, 12:27 ng madaling araw ng Huwebes (Jan. 26).
May lalim na 32 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental
Intensity II sa Pasacao, Camarines Sur at Polillo, Quezon.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershocks ang naturang lindol. (DDC)