Dagdag na P20 na sinisingil sa mga pasahero sa Matnog Port ipinahihinto

Dagdag na P20 na sinisingil sa mga pasahero sa Matnog Port ipinahihinto

Ipinatitigil ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang paniningil ng dagdag na P20 sa mga pasahero sa Matnog Port.

Ito ay bilang tugon sa mga nauna ng panawagan ng Philippine Ports Authority (PPA) na maimbestigahan ang mga reklamo at sumbong kaugnay sa karagdagang P20 na singil sa mga pasahero ng pantalan sa Matnog.

Sa inilabas na resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon hinikayat nito ang lokal na pamahalaan ng Matnog na ipatigil ang pangungulekta ng P20 sa mga pasahero.

Ayon sa PMO Bicol, matapos ang mga sumbong ay agad nila itong ipinagbigay alam sa provincial marshals, PNP, PCG, Philippine Army at sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon.

Mula dito nagkaroon ng Joint Committee Hearing ang Sangguniang Panlalawigan kasama ang mga nabanggit na otoridad at nagresulta naman sa pagpapalabas ng resolusyon na nanghihikayat sa lokal na gobyerno ng Matnog na ipahinto ang naturang paniningil.

Nagpasalamat naman ang PPA sa mga pasaherong nagpaabot ng reklamo at suhestyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *