Onion farmers tutulungan ng pamahalaan para maitaas ang kanilang produksyon

Onion farmers tutulungan ng pamahalaan para maitaas ang kanilang produksyon

Bumubuo na ng programa ang pamahalaan na maglalayong matulungan ang mga onion farmers na maitaas ang kanilang ani upang matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay nito sa merkado.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama sa plano ng gobyerno ang pagpapadami ng mga lugar na maaaring pagtaniman ng sibuyas.

“We will help by – the DA (Department of Agriculture) will help by providing inputs. So the first part of that is we are going to the seed producers so that they will produce good seed that we can give to the farmers at some point. Iyon ang kanilang gamitin as inputs. And all that what they need,” ani Marcos.

Kamakailan, ipinagpaliban ng Department of Agriculture ang pagpapalawig sa pinairal na P250 suggested retail price (SRP) sa kada kilo ng sibuyas bunsod ng inaasahang pagbababa na ng presyo nito dahil harvest season na.

Ayon sa DA, bababa na sa P100 hanggang P150 ang kada kilo ng sibuyas dahl na din sa pagdating sa bansa ng 5,000 metric tons (MT) ng imported onions.

Sa pulong sa Malakanyang, binanggit ng pangulo ang kakulangan ng cold chain facilities sa bansa na isa din aniya kaya naaapektuhan ang suplay at presyo ng  sibuyas,

“We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain para ma-maintain naman natin, ma-preserve naman natin ‘yung agricultural products,” dagdag ng pangulo.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang onion production sa bansa noong third quarter ng 2022 ay 23.30 MT na 1.7 percent na mas mataas kumpara sa 22.92 MT output sa parehong quarter ng 2021.

Batay din sa 2022 supply and demand outlook data ng DA, ang bansa ay mayroong 120 percent sufficiency level sa pagkakaroon ng 312,830 MT ng sibuyas.

Ang per capita consumption ng sibuyas sa bansa ay 2.341 kg kada taon at ang estimated demand ay 21,000 MT kada buwan.

Hanggang noong December 15, 2022 ang kabuuang stock inventory ng locally produced red onions sa cold storage sa bansa ay 2,209.45 MT.

Wala namang stocks ng yellow onions at imported red onions sa mga cold storage facilities.

Kamakailan para masigurong may access sa abot-kayang halaga ng sibuyas ang publiko ay nagtinda ng P170 per kilo na sibuyas sa mga Kadiwa Store.

At noong January 10 sinabi ng DA na mag-aangkat ang bansa ng 22,000 MT ng sibuyas para matugunan ang problema sa mataas na presyo at supply shortage. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *