50,000 tablets ipapamahagi sa mga mag-aaral sa Quezon City
Dagdag na 50,000 mag-aaral pa sa mga public school sa Quezon City ang makatatanggap ng libreng tablet.
Ininspeksyon nina Maricris Veloso ng QC Education Affairs Unit at James Lambengco ng Schools Division Office ang mga tablet upang matiyak na maayos ang mga ito bago i-turnover sa mga mag-aaral.
Ang 50,000 tablets ay ipamimigay sa mga mag-aaral ng Grade 1 hanggang Grade 3 sa 95 public schools sa lungsod.
Simula noong 2020, nakapagpamahagi na ang Pamahalaang Lungsod Quezon ng 309,054 tablets sa mga mag-aaral.
Ito ay bilang pag-alalay sa kanilang distance at blended learning. (DDC)