Bahagi ng Visayas, Mindanao uulanin ngayong araw dahil sa LPA
Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 575 kilometers East ng Davao City.
Ayon sa PAGASA ngayong araw ng Miyerkules (Jan. 25) makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, and Eastern at Central Visayas dahil sa LPA.
Maulap na papawirin na may pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, at Quezon dahil sa Amihan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao at sa southern portion ng Palawan.
Habang sa Metro Manila, at sa nalalabing bahagi ng Luzon at mahinang pag-ulan lamang ang mararanasan. (DDC)