P22M halaga ng “shabu” nakumpiska sa Bicol Region sa nakalipas na 7-araw

P22M halaga ng “shabu” nakumpiska sa Bicol Region sa nakalipas na 7-araw

Umabot sa mahigit P22 million na halaga ng “shabu” ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang anti-illegal drug operations sa nakalipas na pitong araw sa Bicol Region.

BAhagi ito ng mas pinaigting na kampanya kontra illegal drugs ng Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGen. Rudolph Dimas.

Nagsimula ang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) noong January 16 hanggang 22, 2023 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 52 katao kabilang ang 6 na high-value individuals; 38 street level individuals; at 8 wala sa watchlist.

Sa 42 operasyon na ikinasa ng pulisya, umabot sa 3,266 grams ng “shabu” at 5 grams ng marijuana ang nakumpiska.

Ang Naga City Police Office ang nakapagtala ng may pinakamalaking halaga ng nakumpiskang ilegal na droga na umabot sa mahigit P13.6 million na halaga.

Sa Camarines Sur may nakumpiskang mahigit P7.1 million na halaga ng “shabu”.

Mayroon ding nakumpiska sa Albay, Camarines Norte, Masbate, Sorsogon, at Catanduanes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *