Ikatlong batch ng mga distressed OFW mula Kuwait nakauwi na sa bansa
Dumating na ng bansa ang ikatlong batch ng distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Lulan ng flight GF154, sinalubong ng OWWA Airport Team sa pangunguna ni OWWA Deputy Administrator Atty. Honey QuiƱo at RAD Director Louie Reyes ang 64 OFWs galing Kuwait, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Unang dumating ang 40 repatriated OFWs noong Enero 17 kasama si DMW Undersecretary Hans Leo J. Cacdac.
Sinundan ito ng pagdating pa ng 102 na OFWs mula sa naturang bansa, kasama si OWWA Admin Arnell Ignacio nitong Enero 20. (Bhelle Gamboa)