LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Uulanin pa rin ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 280 kilometers Southeast ng Davao City.

Dahil sa LPA, ngayong araw ng Martes, Jan. 24 ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.

Maulap na papawirin din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao at Ilocos Norte dahil sa Amihan.

Amihan din ang magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang apg-ulan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *