COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba pa sa 2.4 percent na lang

COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba pa sa 2.4 percent na lang

Nananatiling nasa “Low” ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 3.7 percent noong Jan. 14, 2023 ay bumaba pa sa 2.4 percent na lang ang positivity rate sa NCR noong Jan. 21.

Maliban sa NCR, nasa “Low” na din ang positivity rates sa marami pang pang mga lalawigan sa Luzon.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Albay (3.5 percent)
– Bataan (2.5 percent)
– Batangas (4.0 percent)
– Benguet (2.5 percent)
– Bulacan (2.0 percent)
– Cagayan (4.5 percent)
– Cavite (1.8 percent)
– Ilocos Norte (2.9 percent)
– La Union (2.2 percent)
– Laguna (2.8 percent)
– Nueva Ecija (3.1 percent)
– Pampanga (3.4 percent)
– Pangasinan (1.4 percent)
– Quezon (2.2 percent)
– Zambales (4.3 percent)

Samantala, ang malaki ang ibinaba ng positivity rate sa lalawigan ng Isabela mula sa 50.2 percent patungong 10.7 percent na lang. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *