OWWA nagpaalala sa mga OFW sa Kuwait dahil sa nararanansang matinding lamig

OWWA nagpaalala sa mga OFW sa Kuwait dahil sa nararanansang matinding lamig

Naglabas ng paalala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga OFW sa Kuwait bunsod ng nararanansang matinding lamig doon.

Ang paalala ay inilabas ni OWWA Administrator Arnell Ignacio matapos mapaulat na mayroong isang OFW ang nasawi sa suffocation nang gumamit ng uling para maibsan ang lamig.

Isinara umano ng nasabing OFW ang pintuan at mga bintana ng kaniyang kwarto.

Natagpuan na lamang itong walang buhay sa loob ng kanyang silid.

Paaalala ng OWWA iwasan ang paggamit ng uling sa pagpapainit ng kwarto sa panahon ng taglamig dahil ang usok mula dito ay maaaring magdulot ng suffocation.

Pinag-iingat ng OWWA ang mga OFW sa paggamit ng anumang uri ng heater o mga fuel-burning appliances ngayong malamig ang panahon.

Kung nakararanas ng problema sa kalusugan at nais na humingi ng tulong maaaring dumulog sa OWWA 24/7 Operations Center sa lammaagitan ng pagpapadala ng mensahe sa Facebook. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *