Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang sentro ng pagyanig sa layong 74 kilometers southeast ng Tarragona, 6:49 ng umaga ngayong Lunes (Jan. 23).
May lalim na 83 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity II
– Nabunturan, Davao de Oro;
Intensity I
– Don Marcelino, Davao Occidental
– Malapatan, Sarangani
Hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershocks ang lindol.
Madaling araw ng Lunes ay may naitala ding dalawang may kalakasang pagyanig sa lalawigan naman ng Davao Occidental.
Unang tumama ang magnitude 4.8 na lindol Balut Island, Sarangani, Davao Occidental ala 1:57 ng madaling araw.
Sinundan ito ng magnitude 4.5 sa na ang epincenter ay sa Balut Island pa rin dakong alas 2:21 ng madaling araw. (DDC)