LPA binabantayan ng PAGASA sa Davao City
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Davao City.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 495 kilometers East Southeast ng Davao City.
Apektado naman ng Northeast Monsoon ang buong Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Lunes, Jan. 23 ang Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa trough ng LPA.
Maulap na papawirin naman na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, at Aurora dahil sa Amihan.
Amihan din ang magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Habang sa nalalabing bahagi ng bansa ay localized thunderstorms lamang ang iiral. (DDC)