Air Traffic Management Center isinailalim sa maintenance activity ng CAAP

Air Traffic Management Center isinailalim sa maintenance activity ng CAAP

Nagsagawa ng maintenance activity ang Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP) sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) nito.

Sakop ng isinagawang maintenance activity ang pagpapalit sa blowing/cooling fan para sa second uninterruptible power supply (UPS) na ginagamit para sa mapagana ang Communications, Navigation, and Surveillance / Air Traffic Management (CNS/ATM) System na nasa ATMC.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng CAAP umaga ng Linggo, Jan. 22 na tumaggal ng isang oras at tatlong minuto.

Matapos ang matagumpay na maintenance activity naibalik naman agad sa normal ang operasyon ng dakong 6:09 ng umaga.

Ayon sa CAAP, ang siyam na flights na naapektuhan sa kasagsagan ng aktbidad ay pinamalagi muna sa taxiway pero agad ding nakaalis nang matapos ang maintenance.

Humingi ng paumanhin ang CAAP sa abala na naidulot ng maintenance activity. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *