Kamara balik-sesyon na bukas, Jan. 23
Magre-resume sa Lunes, January 23 ang sesyon ng Kamara.
Sa pagbabalik-sesyon, prayoridad ng Kamara na maipasa ang mga panukalang batas na mas makatutulong pa sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa at pagpapabuti sa buhay ng bawat mamamayan.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, para sa taong 2023, magdo-doble kayod ang Kamara upang matiyak na maipapasa ang nalalabing labingdalawang priority measures ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang nasabing mga priority bills ay inadopt din ng LEDAC bilang Common Legislative Agenda (CLA).
Bago matapos ang taong 2022, inaprubahan ng Kamara sa third at final reading ang labingsiyam na CLA priority measures.
Naisakatuparan ito limang buwan mula ng magbukas ang 19th Congress.
Dalawa sa nasabing mga panulang batas ang nalagdaan na ni Pangulong Marcos.
Ang Sim Registration Act at ang Postponement of the Barangay and SK Elections. (DDC)