Action center bubuksan sa kongreso ayon kay Hosue Speaker Martin Romualdez
Isang action center ang bubuksan ng kongreso para sa mga tao na walang mahingan o malapitan ng tulong sa oras ng kanilang pangangailangan.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pagamot, palibing, legal problems, illegal dismissal, biktima ng pang-aabuso ng mga nasa puwesto, at iba pa ay pwedeng ilapit sa action center ng mababang kapulungan.
Hinikayat din ni Romualdez ang publiko na lumapit sa kamara kung sila ay nahirapang humingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyernong kanilang nilapitan.
Gagawa aniya ng hakbang ang Kamara para matawagan ang mga concerned agencies at tatanungin kung bakit nila natutulungan ang mga taong lumalapit sa kanila.
Dagdag pa ng house speaker, “babawasan nila ng budget ang anumang ahensya na hindi tutulong o papatay-patay sa pagbigay ng tulong sa publiko”.
Ayon kay Romualdez, majority floor leader pa lamang siya ay naisip na niya ang konsepto ng naturang action center sa kamara.
Ilalagay sa ilalim ng Office of the House Speaker ang action center na pamumunuan ng executive director na may mga social service personnel at complaint officers na tatanggap ng mga request for assistance o mga sumbong.
Inaasahan na bubuksan ang action center sa buwan ng Marso at ito ay bukas sa publiko mula 8:00AM hanggang 4:00PM, mula Lunes hanggang Biyernes. (DDC)