Face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong nurse isinagawa sa PICC

Face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong nurse isinagawa sa PICC

Nagsagawa ng face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong nurses na nakapasa sa Philippine Nurse Licensure Examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) ang oath taking ay idinaos araw ng Linggo, January 22, 2023 sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC), sa Vicente Sotto St., Pasay City.

Ang mga nakapasang examinee na dumalo sa face-to-face mass oathtaking ay pinagsumite ng negatibong RT-PCR results at ng kopya ng kanilang Vaccination Card.

Ang mga hindi naman nakadalo sa face-to-face mass oathtaking ay dumalo na lamang sa online oathtaking.

Pagkatapos ng isinagawang oathtaking ang mga bagong nurse ay pinayuhang isagawa ang Initial Registration sa PRC sa pamamagitan ng http://online.prc.gov.ph.

Sa datos na inilabas ng PRC noong November 2022, umabot sa 18,529 mula sa 24,903 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa Philippine Nurse Licensure Examination. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *