ACT- CIS, maghahain ng batas para sa may mga anak na PWD
Maghahain ng panukalang batas ang ACT-CIS Partylist na tutulong sa mga pamilya na may persons with disability (PWD) na miyembro.
Paliwanag ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, layon ng ihahaing panukalang batas na mabigyan financial aid ang mga mahihirap na pamilya na may mga anak o miyembro na PWD.
Base kasi aniya sa pag-aaral na ginawa ng DSWD, mas malaki ang gastos ng pamilya na may PWD na miyembro.
Napupunta aniya ang halos higit sa kalahati ng kita ng isang pamilya sa gamot, check-up, o therapy para sa PWD na anak.
Ayon kay Yap, ang naturang batas ay magbibigay ng P1,000 kada buwan sa pamilya na may PWD na anak bilang tulong ng gobyerno sa kanilang gastusin.
Sa ihahaing panukala, ang mahihirap o below middle class ang target na mabigyan ng pinansyal na tylong.
Kasama din aniya ang mga single mom na nasa minimum wage lang ang kinikita. (DDC)