102 distressed OFWS mula sa Kuwait napauwi ng DMW-OWWA
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnaldo A. Ignacio kasama ang 102 na nagkaproblemang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait.
Nitong Enero15, 2023, nagtungo sa Kuwait sina OWWA Administrator Ignacio at DMW Undersecretary Hans Leo J. Cacdac upang talakayin sa kanilang Kuwaiti counterparts ang kaligtasan at proteksiyon ng OFWs sa Kuwait.
Bahagi ng kanilang misyon ay ang agarang pagsasaayos ng repatriation ng distressed OFWs na nanunuluyan sa Migrant Workers Office (MWO) sa Kuwait.
Sa pamamagitan ng matagumpay na koordinasyon sa Kuwaiti government, agad naproseso at naayos ng Philippine Embassy sa Kuwait, at MWO- Kuwait ang exit visas at travel documents ng nasabing distressed OFWs.
Noong Enero 17, kasamang umuwi sa bansa ni Usec Cacdac ang 60 distressed OFWs.
Sa kanilang pagdating sa airport, tumanggap ang mga umuwinv OFWs ng P10, 000 cash assistance mula sa OWWA.(Bhelle Gamboa)