Final draft ng Metro Manila Traffic Code para sa Single Ticketing System aprubado ng MMDA, TWG

Final draft ng Metro Manila Traffic Code para sa Single Ticketing System aprubado ng MMDA, TWG

Inaprubahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Manila local traffic bureau heads, at mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang pinal na balangkas ng Metro Manila Traffic Code para sa panukalang single ticketing system sa National Capital Region.

Sa idinaos na pulong,nagkasundo ang technical working group sa final 20 most common traffic violation penalties na ipatutupad ng lahat ng Metro Manila local government units at interconnectivity requirements ng LTO’s Land Transportation Management System (LTMS).

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang ahensya ang magbibjgay ng pondo para sa pagbili ng hardware at I.T requirements na kakailanganin sa tuluy-tuloy at sabay-sabay na rollout ng LGU’s integration kasama ang LTMS.

“We will conduct an inventory of each LGUs with regards their respective systems and equipment for the planned interconnectivity with the LTO database for them to have access on the motorists’ records,” ani Artes.

“After a series of consultations with the LGUs and the transport sector, we have also finalized the standardized fines and penalties for the most common traffic violations such as disregarding traffic signs, illegal parking, and number coding, among others,” dugtong nito.

Sinabi rin ni Artes na ang single ticketing system “ay makareresolba ng ilang isyung dinudulog sa petisyon ng NCAP na nakabinbin ngayon sa Supreme Court at ang mga isyu sa pagkumpiska ng driver’s license. Ang panukalang sistema ay makatutulong sa mga motorista dahil mapagagaan ang pagbabayad sa pamamagitan ng digital payment channels na gagamitin sa panghuhuli ng mga motorista kahit saan.”

Inihayag naman ni San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora na ang Metro Manila Traffic Code ay napagpasyahan ng lahat ng nasa TWG at tatalakayin sa susunod na pulong ng MMC.

“We are confident that the Metro mayors will pass a resolution approving this. After the council’s approval, each LGUs will have to draft or amend their respective ordinances adapting standardized fines on the identified common traffic violations,” sabi ni Zamora.

Binigyang-diin ng dalawang opisyal na ipinauubaya naman sa mga LGUs ang paggawa ng kanilang sariling ordinansa para sa iba pang traffic-related offenses na hindi itinakda ng traffic code bilang bahagi sa kanilang nasasakupang lugar.

Samantala inilahad naman ni LTO Regional Director Noreen San Luis-Lutey na ang LGU interconnectivity sa LTMS ay mandato ng batas na naglalayong gumawa ng single database para sa mga paglabag sa batas trapiko sa buong Metro Manila.

Ang panukalang single ticketing system ay inaasahang pangkalahatang ipatutupad sa unang bahagdan o first quarter ngayong taon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *