2 pranksters sa Davao de Oro inaresto; matapos magkunwaring ininom ang biniling gasolina sa gasoline station

2 pranksters sa Davao de Oro inaresto; matapos magkunwaring ininom ang biniling gasolina sa gasoline station

Inaresto ang dalawang vloggers sa Davao De Oro matapos i-prank ang attendant ng isang gasoline station sa bayan ng Mawab.

Sa ulat ng Police Regional Office 11, inaresto ng mga tauhan ng Mawab Police Station si Jonel C. Cordero at kaniyang kasabwat na si Arnold O. Rabi matapos magdulot ng pagkaalarma sa mga empleyado ng gas station ang ginawa nilan prank para sa kaniyang vlog content.

Ayon sa report, bumili si Cordero sa gasolinahan ng P10 halaga ng gasolina at ipinasalin ito sa bote ng Coke Sakto.

Matapos mapuno ng attendant ng gas station ay nagkunwari si
Cordero na ininom ang laman ng bote at saka nagpanggap na nahihilo.

Agad hiningi ng mga empleyado ng gasolinahan ang tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para mabigyan ng first aid si Cordero.

Kahit dumating na sa site ang mga tauhan ng MDRRMO ay nagpatuloy sa pagpapanggap si Cordero.

Pero nang isasailalim na siya sa medical assessment, doon nito sinabing prank lamang ang kanilang ginawa.

Apela ng pulisya sa publiko, iwasan ang pagsasagawa ng mga prank na maaaring magdulot ng ‘chaos, alarma at pagkaabala sa operasyon ng mga responding government agencies.

Nahaharap ang dalawa sa kasong ‘alarm and scandal’ sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *