Pagpapatupad ng contribution hike inumpisahan na ng SSS

Pagpapatupad ng contribution hike inumpisahan na ng SSS

Sinimulan na ng Social Security System (SSS) ang pagpapatupad ng contribution hike nito sa kanilang mga miyembro.

Ayon sa SSS, ipinatupad na nito ang probisyon ng Republic Act of RA 11199 o ang Social Security Act of 2018 kung saan itinatakda ang contribution hike para masiguro ang financial viability ng state pension fund para sa mga pribadong manggagawa.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang contribution increase ay magsisiguro ng agarang benepisyo sa 13 million na manggagawa.

Sa ilalim ng nasabing batas na naipasa noong 2019, nakasaad ang unti-unting pagtataas ng contribution rate ng SSS kada dalawang taon hanggang sa maabot ang 15 percent sa taong 2025.

Ngayong taon ay tumaas sa 14 percent ang contribution rate mula sa 13 percent noong 2022.

Sinabi ni Macasaet na ang mga manggagawa na kumikita ng mas mababa sa P25,000 kada buwan na 78 percent ng SSS-paying employee members ay hindi maapektuhan dahil ang dagdag na kontribusyon ay iaatang sa employers.

Ang mga employer ay magbabayad na ng contribution na 9.5 percent habang ang nalalabing 4.5 percent ay ikakaltas sa empleyado. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *