Indoor mask restrictions sa South Korea babawiin na
Aalisin na ng South Korea ang rules na nag-oobliga ng pagsusuot ng face masks sa indoor spaces.
Simula sa January 30, hindi na mandatory ang pagsusuot ng face masks sa indoor spaces maliban na lamang sa mga public transport at medical facilities.
Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency ang mga na-diagnose na positibo sa COVID-19 ay obligado pa ding magsuot ng face mask at mag-isolate ng pitong araw.
Simula noong Oct. 2020 ay ipinatupad ang mas mandate sa South Korea. (DDC)