800 disadvantaged youth sa Las Piñas nabigyan ng educational assistance
Nagsagawa ang Las Piñas City Social Welfare Development Office (CSWDO) sa kooperasyon ng Pag-Asa Youth Association of the Philippines (PYAP) – Las Piñas Chapter ng educational assistance program para sa 800 na kabataan kabilang ang mga out-of-school youth sa lungsod.
Pinangunahan ni Vice-Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng school supplies bilang tulong edukasyon sa mga disadvantaged youth, na ginanap sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Bldg., BF Resort Village, Brgy. Talon II, Las Piñas City.
Para sa pagpapalakas ng naturang programa, isinagawa rin ng CSWDO ang iba’t ibang supplementary activities gaya ng parents effectiveness service, general assemblies, parent-teacher dialogues, at iba pa. (Bhelle Gamboa)