Anim na cold storage facilities para sa sibuyas itatayo ng DA

Anim na cold storage facilities para sa sibuyas itatayo ng DA

Nakatakdang magtayo ang Department of Agriculture (DA) ng anim na cold storage facilities sa mga rehiyon na nagsu-suplay ng sibuyas sa buong bansa.

Nagkakahalaga ng 40 milyong piso ang bawat pasilidad na itatayo sa mga lugar sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa.

Ang mga pasilidad ay may kakayahang makapag-imbak ng 20,000 sako ng sibuyas.

Ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan para mapabuti ang lokal na produksyon ng sibuyas sa bansa

Noong March 2022, ang DA ay nakapagtayo na ng dalawang cold onion storage facilities, na may capacity na 10,000 at 20,000 na sako ng sibuyas

Ang dalawang pasilidad ay pinangangasiwaan ng mga magsasaka ng Valiant Primary Multi-Purpose Cooperative sa Barangay Marcos Village, Palayan City, Nueva Ecija, at Sapang Multi-Purpose Cooperative sa Moncada, Tarlac. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *