Fixed price para sa mga produktong karne sa Bontoc, Mt. Province itinakda ng LGU
Nagtakda ng fixed maximum price para sa mga produktong karne sa Bontoc, Mt. Province.
Nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Bontoc na magre-regulate sa presyo ng prices ng karne ng baboy at baka na ibinebenta sa munisipalidad.
Sa ilalim ng ordinansa ang baboy ay ibebenta dapat sa sumusunod na presyo:
Hogs/pigs (liveweight per kilo)
– P200
Pork per kilo (dressed weight)
– Lean meat – P300
– Pork Belly – P300
– Pork Chop – P280
– Ribs/Bones with flesh (Alas-as) – P270
– Legs, Head, and Internal Organs – P250
Beef per kilo (dressed weight)
– Lean Meat – P350
– Soup Bones (Legs, Ribs) – P320
– Head- P320
– Internal Organs – P350
– Skin – P200
Inatasan din ang lahat ng meat vendors na magpaskil ng price list o price tag ng kanilang mga produktong karne sa kanilang tindahan.
Ang mga mapatutunayang lalabag sa ordinansa a papatawan ng multa na P1,000 sa first offense at P1,500 para sa second.
Sa ikatlo at susunod pang paglabag ay maaari nang makansela ang kanilang Business Permit at papatawan ng multa na P2,500. (DDC)