Kalusugan ng Metro cops tututukan ng NCRPO

Kalusugan ng Metro cops tututukan ng NCRPO

Dahil drug-free, tinututukan ni National National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Major General Jonnel Estomo ang kalusugan at ikabubuti ng mga pulis sa Metro Manila.

Muling ipinatawag ni Estomo ang lahat ng nasasakupang Lieutenant Colonels at Police Majors para sa isang health at wellness short talk sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang hakbang na ito ni Estomo ay para siguruhin ang kalusugan at kapakanan ng mga pulis matapos makumpirmang hindi sila gumagamit ng ilegal na droga.

Tiwala ang NCRPO chief na isa sa mga parameter sa epektibo at pinaigting na implementasyon ng S.A.F.E NCRPO ay ang pagbibigay ng pangunahing atensiyon sa kalusugan at physical fitness ng kanyang mga tagapagpatupad nito.

Sinabi ni BGen Lex Ephraim C. Gurat, NCRPO Chief of Staff, na ang performance ay depende sa kondisyon ng kalusugan kaya ito ang basehan sa pagganap ng kanyang tungkulin ayon sa kakayahan nito.

Aniya ang hakbang na ito ay ginagawa sa regional headquarters sa paunang atas ni Estomo sa pagnanais na maisakatuparan hanggang sa pinakamababang yunit ng NCRPO.

Nagbigay naman ng maikling lektura ang mga police doctor mula sa Regional Medical & Dental Unit (RMDU) para sa mid-level officers na may ranggong Lt. Col. at Major na layung ipaalala ng NCRPO leaders na pag-ingatan ang kanilang kalusugan at paangatin ang kanilang pang-unawa sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan sa kabila ng edad,kasarian o pisikal na abilidad.

Kinuhanan din ng blood pressure bago itinala ang health at medical maintenance ng lahat ng partisipante.

“Protecting our personnel will continue under my watch. In this manner, police officers can safely engage, communicate and interact with the general public in the performance of our duty towards S.A.F.E Metro Manila for all,” sabi ni MGen Estomo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *