800 traffic offenders sa CDO City nag-avail ng condonation program
Umabot sa 800 traffic violators sa Cagayan de Oro City ang nabigyan ng tax condonation ng City Legal Office.
Sa datos ng tanggapan, umabot na sa kabuuang 2,160 traffic violators ang nag-avail ng tax relief/condonation ordinance.
Sa nasabing bilang, 674 ang natanggap na ang kanilang certificates of availment.
Mag-iisyu ang City Legal Office ng certificates of availment hanggang sa January 25, 2023.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 14385-2022 ang mga nagkaroon ng paglabag sa traffic at parking rules sa lungsod noong 2021 at mga nagdaan pang taon at naisyuhan ng Traffic Citation Tickets (TCT) ay papayagag mag-avail ng programa.
Ang makukuha nilang Certificate of Availment ay kailangang isumite sa RTA par asa withdrawal ng kanilang violation report.
Kung ang kanilang paglabag ay naganap mula taong 2022, kailangan na nilang magbayad ng kanilang traffic violation. (DDC)