Dating PCSO Director Sandra Cam nagpayahag ng suporta para kay PBBM; whistleblowers tutulungan

Dating PCSO Director Sandra Cam nagpayahag ng suporta para kay PBBM; whistleblowers tutulungan

Inihayag sa mga mamamahayag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam ang kanyang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ginanap na pulong balitaan sa Chavez Miranda Aseoche Law Offices sa 8th Floor, One Corporate Plaza, 845 Arnaiz Avenue, San Lorenzo Village, Makati City nitong Enero 18.

“I will assist & help BBM administration para mabigyan ng hustiya ang mga biktimang katulad namin mag-ina upang ipakulong ang mga taong walang konsensiya, pumatay at magpakulong ng mga inosenteng tulad ko,” ani Cam.

Naging aral kay Cam mula sa kanyang pagkakulong kasama ang pagkakapiit ng kanyang anak na lalaki ay ang lalong maging malapit sa Diyos at aniya walang imposible sa Kanya basta’t ipauubaya ang iyong buhay.

Nagpasalamat din siya sa Law Office of Chavez, Miranda Asehoche lalo na kina Atty. Bodie Miranda at Atty. Paulo Tumbali, na tumayong abogado niya at tumulong sa kanyang paglaya sa kulungan.

“Bilang presidente ng Whistle Blower Association of the Philippines, laban sa katiwalian sa ating opisyal sa gobyerno, hindi ko akalain na sa pagtulong sa mga whistle blowers laban sa mga corrupt officials ng gobyerno,
ako na si Sandra Cam ay magiging biktima ng matinding injustice, sinampahan kami ng kasong murder na non-bailable case based on fabricated & trumped charges at nagtiis ako sa kulungan ng 20 months despite my poor medical condition. Yung mga taong nasa likod ng aking pagkakulong ay walang awa at konsenya na alam naman nilang gawa gawa lang ng NBI ang maling paratang. This is a chilling factor na if you are a powerful person you can imprison any innocents person. This is the highest form of abuse of power by govt officials because of political ambitions,” sabi pa ni Cam sa media.

Tahasang sinabi din ni Cam na nagamit siyang instrumento para sa pagkakakulong ni Senator Leila Delima,na aniya ay nakita at naranasan niya umano mismo ang sakit at paghihirap sa kanyang pakakulong.

Humingi na rin umano si Cam ng kapatawaran at nagsisi sa kanyang pagkakamali.

“Restoration of our friendship is the most important than politics,” diin pa nito.

“Ang buhay na naranasan ko sa kulungan ay yan ang lakas na aking kinakapitan upang makamit ko ang hustisya at lalo kung matutulungan ang mga Whistleblowers,” pagtatapos ni Cam. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *